-- Advertisements --

Nanawagan ang US sa Iran na pakawalan na ang bihag nila ng lusubin ng mga armadong kalalakihan ang isang oil tanker sa Gulf of Oman.

Sinabi ni US State Department spokesman Vedant Patel, na ang hakbang na ginagawa ng Iran ay lalong magpapalala sa regional at global economies dahil maapektuhan ang pagdaan ng mga kalakal at krudo sa Gulf of Oman.

Nilusob kasi ng mga armadong suspek ng Iran ang Marshall Islands-flagged oil tanker na St. Nikolas kung saan may sakay ito ng 19 crews at 18 sa mga ito ay mga Filipino.

Malapit na sana sa Omani port ng Sohar, Oman ng inutusan ng mga armadong kalalakihan na nakasuot ng military uniform na dalhin ang barko sa Iranian port.

Ayon sa Iran na ang ginawa nila ay bilang ganti sa ginawang pagkumpiska ng US noong nakaraang taon ng oil tanker nila.