Papayagan ng organizers ng US Open tennis na makalaro ang mga Russian at Belarusian players.
Ayon sa US Tennis Association (USTA), ito ay kahit na may ginawang pang-aatake ang Russia sa Ukraine.
Susundin na lamang nila ang ginawa ng ATP at WTA na papayagang maglaro ang nasabing dalawang bansa basta gagamit ang mga ito ng neutral na bandila.
Sinabi ni USTA CEO Lew Sherr ang desisyon ay isinagawa dahil sa pagkabahala na tila isisisi sa mga manlalaro ang anumang desisyon ng kanilang gobyerno.
Tiniyak din ng USTA na magbibigay sila ng tulong sa Ukraine.
Magugunitang nagdesisyon ang Wimbledon na kanilang pagbabawalan ang mga manlalaro ng Russia at Belarus dahil sa ginawa nilang paglusob sa Ukraine.
Magsisimula ang US Open sa Agosto 29 hanggang Setyembre 11.