Kinansela ang U.S. Open of Surfing dahil sa banta ng COVID-19.

surf of USA
US Open of Surfing

Nakatakda sana itong ganapin sa Agosto 1 hanggang 9 sa Huntington Beach, California subalit dahil sa mataas pa rin ang kaso ng coronavirus sa US ay minabuti ng organizer na ito ay kanselahin.

Ayon sa organizers na inaalala nila ang kalusugan ng mga dadalo at manonood kaya sila ay nagdesisyon na kanselahin ito.

Kada taon kasi ay dinadayo ito ng ilang libong katao para panoorin ang nasabing mga sikat na surfer sa buong mundo gaya nina Kelly Slater, Andy Irons at Sunny Garcia.
Kabilang din sa nasabing event ang skateboarding at BMX events.

Noong 2018 ay umabot sa 375,000 katao ang dumalo na nagdadala ng $55 million na kita sa ekonomiya ng lugar.