-- Advertisements --

Surpresang bumisita sa Kyiv, Ukraine si US National Security Adviser Jake Sullivan.

Nakipagpulong ito kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky at ilang mataas na opisyal ng nasabing bansa.

Kasabay din nito ay inanunsiyo ni Sulivan ang dagdag na $400 milyon na security assistance package sa Ukraine.

Kabilang sa nasabing package ang refurbished na T-72 tanks at drones kasama ang refurbished na surface-to-air missiles.

Pagtitiyak nito ay patuloy ang US na magbibigay ng economic at humanitarian assistance sa Ukraine.

Matatapos lamang aniya ang giyera sa Ukraine kapag tuluyan ng lisanin ng Russia ang nasabing bansa.