-- Advertisements --

Napigilan ng US Navy ang Iranian forces na maharang ang dalawang oil tankers sa Strait of Hormuz.

Ayon sa US Naval Forces Central Command na pinataboy ng kanilang guided missile destroyer na USS McFaul ang mga barko ng Iran na nagtangkang harangin ang dalawang oil tankers sa karagatan ng Oman.

Isa aniyang barko ng Iran ang nagpaputok pa sa oil tanker.

Paglilinaw ng US Navy na naganap ang insidente sa international waters.

Magugunitang nagkaroon ng tensiyon sa pagitan ng US at Iran ng umatras na si dating US President Donald Trump sa nuclear agreement noong 2015.

Mula aniya noong Mayo ay dinadagdagan ng US ang kanilang presensiya sa Strait of Hormuz para mapigilan ang ginagawang pagharang ng Iran.