-- Advertisements --

Gumawa ng kasaysyan ang US Men’s National Team sa panalo kontra Team Paraguay sa nagpapatuloy na FIFA World Cup 2026.

Pinadapa ng Team USA ang Paraguay sa score na 4-1 sa harap ng mahigit 70,000 football fans sa Los Angeles Stadium ngayong araw, June 13.

Maagang dinomina ng Amerika ang Paraguay matapos makagawa ng isang goal sa first half ng laban. Sinundan pa ito ng dalawang sunod-sunod na goals mula sa striker na si Folarin Balogun bago mag-break.

Gumanti naman ang Paraguay sa second half at nagpasok ng isang goal nguint tuluyan ding tinuldukan ni US striker Gio Reyna ang laban gamit ang isa pang strike sa stoppage time para selyuhan ang 4-1 na panalo.

Ito na ang pinakamaraming goal na nagawa ng United States sa isang World Cup match sa kasaysayan.

Dahil sa panalo, hawak na ngayon ng US ang unang pwesto sa Group D, at may mataas na tyansang umabanse mula sa group stage.

Sa kabila ng makasaysayang panalo, nananatiling underdog ang US sa nagpapatuloy na World Cup. Batay kasi sa prediction ay mayroon lamang 1.2% na tyansa ang US Team na maiuwi ang World cup trophy.