-- Advertisements --

Nakatakdang tapusin na ng US ang kanilang COVID-19 restrictions ngayong buwan.

Ayon sa White House na simula Mayo 11 ay ang mga international travelers ay hindi na kailangan ipakita pa ang kanilang vaccination card.

Kasabay din nito ang tuluyang pagtanggal ng vaccination rules sa lahat ng mga federal employees at contractors.

Ang nasabing restrictions ay epektibo rins a mga non-US travellers na pumapasok sa US sa pamamagitan ng land port of entry at ferries.

Magugunitang nauna na ang Canada na tinanggal ang mga COVID-19 restrictions requirerments noong Oktubre.