-- Advertisements --

Labis umanong ikinalulungkot ng Estados Unidos ang mga nawalang buhay at nasirang kabahayan dahil sa pananalanta ng bagyong Rolly sa bansa.

Ayon sa tweet ng Bureau of East Asian and Pacific Affairs sa Amerika, nakikiisa umano ang kanilang bansa sa dinadanas na pagsubok ng mga Pilipino at nananatili aniya itong nakasuporta sa bansa.

Nagpasalamat naman ang Philippine Embassy sa United States sa pagpapakita ng kagandahang loob ng US.

Magugunita na aaboot ng 19 katao ang naitalang namatay sa Bicol dahil sa paghagupit ng nasabing bagyo sa rehiyon.

Itinuturing din ang bagyong Rolly bilang pinaka-malakas na bagyo sa taong 2020 kung saan naapektuhan nito ang kabuhayan ng halos 2 milyong indibidwal sa bansa.

Bukod pa sa Bicol Region ay hinagupit din ng bagyong Rolly ang ilang parte ng Luzon tulad ng Batangas, Quezon Province at Occidental Mindoro.