-- Advertisements --

Mayroon ng dalawang katao ang nasawi matapos ang air strike ng US sa Iran.

Ayon Iranian Revolutionary Guard Corps (IRGC) na tinamaan ang ilang residente sa missile na tumama sa coastal city ng Sirik.

Natitiyak naman ng IRGC na sila ay gaganti sa ginawang pag-atake na ito ng US.

Magugunitang naglunsad ang US ng malawakang airstrikes sa ilang lugar ng Iran dahil umano sa paglalagay nito ng mga mines at pagmamatigas sa pagharang sa mga dumadaan sa Strait of Hormuz.