-- Advertisements --

Naglaan ang Estados Unidos ng P1.6 billion na pondo para sa proyektong layong palakasin ang higher education sa Pilipinas sa pamamagitan ng training at curriculum improvements.

Ang proyektong ito ay ang US-Philippines Partnership for Skills, Innovation, and Lifelong Learning (UPSKILL) program na inilunsad noong Pebrero 20 na ipapatupad sa sunod na 5 taon.

Kasabay ng paglulunsad ng naturang programa, sinabi ni US Agency for International Development (USAID) Deputy Assistant Administrator for East Asia and the Pacific Sara Borodin, mahalaga para sa tagumpay ng mga kabataan sa hinaharap ang college training at edukasyon para maharap ang mga posibleng hamon sa kanilang papasukang trabaho.

Kabilang sa mga inisyatibo sa ilalim ng programa ay ang faculty at staff training, curriculum improvements, at increasing community outreach at technology transfer.

Ang mga hakbang na ito ayon sa US Embassy sa Maynila ay huhubog pa sa mga kwalipikasyon at career prospect ng mga Pilipinong magtatapos sa kolehiyo.