-- Advertisements --

Inaprubahan ng US State Department ang nasa $500 milyon na halaga ng infrared search and track systems ng F-16 fighter jets ganun din ang ilang mga kagamitan para sa Taiwan.

Ang nasabing halaga ay makakatulong sa pag-depensa ng Taiwan ng kanilang airspace ganun din ang magbigay ng regional security at magpapalakas sa relasyon ng US.

Kabilang din sa nasabing tulong ang integration support, aircraft and munition support, software support, spare parts, consumables, personal training at ilang mga kagamitan.

Paglilinaw ng US State Department na ang nasabing mga bagong kagamitan ay hindi sisira sa military balance ng Taipei.