-- Advertisements --
wps

Muling iginiit ng Estados Unidos na ipagpapatuloy ang kooperasyon nito sa Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ayon kay Us Navy Captain Caludine Caluori, Mission Commander of Pacific Partnership 2023, nananatiling dedikado ang US Indo Pacific command joint force para sa malaya at bukas na Indo-pacific region at inaasahang lahat ng ma bansa sa rehiyon na mag-operate sa international waters safety at ng alinsunod sa international law.

Kaugnay naman sa aktibidad kamakailan ng China na nagresulta sa banggaan, sinabi ng US na magpapatuloy sila sa paglalayag, pagpapalipad at pag-operae ng ligtas at responsable saan mang lugar na pinapahintulutan ng international law.

Aniya ang naturang mga aksiyon ay nakakasira at banta sa seguridad at kaunlaran sa rehiyon.

Hindi naman direktang sinagot ng US offiial nang matanong kung sasamahan ng US Navy ang PH sa resupply mission nito sa Ayungin shoal.

Aniya, naninindigan ang gobyerno ng US sa matatag na alyansa ng PH at Amerika na mahalaga para sa malaya at bukas na Indo-Pacific reion at ipapapatuloy ang pakikipagtulungan sa PH.

Ginawa ng US official ang naturang pahayag kasabay na rin ng Pacific Partnership mission ngayong taon na isasagawa sa Vietnam, dito sa PH, Malaysia, Fiji, Samoa, Palau at Papua New Guinea at Tonga na magpapatuloy hanggang sa katapusan ng 2023.

Ito ang itinuturing na pinakamalaking taunang multinational humanitarian assistance at disaster relief preparedness mission na isinagawa sa Indo-Pacific.

Top