-- Advertisements --
Nag-alok ang US sa Russia para sa pagpapalaya ng dalawang American citizens na kanilang nabihag.
Ayon kay US Secretary of State Antony Blinken na nais nilang ipalit si Viktor Bout isang Russian arm trafficker na nahatulang makulong ng 25-taon sa US kay WNBA star Britney Griner at Paul Whelan na nakakulong sa Russia.
Ang nasabing hakbang aniya ay inaprubrahan ni US President Joe Biden matapos ang ilang beses na masusing pakikipag-usap.
Si Whelan ay nakakulong sa Russia mula pa noong 2018 dahil umano sa pang-iispiya habang si Griner ay nahulian ng ipinagbabawal na substance mula sa kaniyang vape.