-- Advertisements --
May mga plano na ang US military sakaling matuloy na ang pagbiyahe ni US House speaker Nancy Pelosi sa Taiwan.
Ang nasabing pagbiyahe kasi ni Pelosi sa Taiwan ay inalmahan ng China kung saan nagbanta ang mga ito na mayroong silang hindi magandang gagawin gaya ng pag-atake sa eroplanong sasakyan ni Pelosi.
Ayon sa isang opisyal ng US military na kapag natuloy ay kanilang paiigtingin ang mga galaw ng mga puwersa at assets sa Indo-Pacific region.
Itinuturing na kung matuloy ay si Pelosi lamang ang may pinakamataas na opisyal ng US na bibisita sa Taiwan mula pa noong 1997.
Nauna rito ay hindi pa kinukumpirma ni Pelosi kung kailan ang petsa ng balak nito ng pagbisita sa Taiwan.