-- Advertisements --
Mayroong panibagong $275 milyon aid package ang ibibigay ng US sa Ukraine.
Ito ay para mapalakas nila ang paglaban sa mga drones ng Russia.
Ayon kay White House security spokesman John Kirby na labis na nakakabahala ang patuloy na pag-atake ng Russia kaya mararapat na tulungan nila ang Ukraine.
Sa mga susunod din na araw ay kanilang dagdagdagan pa ang mga air-defense na kanilang ibibigay sa Ukraine.
Inakusahan din nito ang Russia na nakikipagsabwatan sa Iran para makabili ng mga makabagong drones na ginagamit sa pag-atake sa Ukraine.