-- Advertisements --

Mayroong panibagong $1-bilyon na bagong tulong ang US para sa Ukraine.

Isinagawa ni US Secretary of State Antony Blinken ang anunsiyo ng personal ito ng bumisita sa Kyiv.

Ang nasabing halaga aniya ay may malaking tulong para mapaigting ng Ukraine ang kanilang counteroffensive laban sa Russia.

Kabilang sa package ang pagpapalit ng mga armas sa Ukraine na nauna ng naibigay ng US kasama na dito ang air defense systemGuided Multiple Launch Rocket Systems at mga communication systems at ang depleted uranium munitions na ibabala sa Abram tanks.

Kasama rin sa nasabing tulong ang humanitarian assistance para sa mga mamamayan ng Ukraine na naiipit sa labanan nila ng Russia.

Labis naman ang pasasalamat ni Ukrainian Foreign Minister Dmytro Kuleba sa panibagong tulong na ito ng US.