Malugod na tinanggap ng Estados Unidos ang desisyon ng gobyerno ng Pilipinas na suspindihin pa ng anim na buwan ang termination ng Visiting Forces Agreement (VFA).
Sa official statement na inilabas ng United States Embassy sa Pilipinas, kanilang ikinagalak ang nasabing desisyon.
Siniguro na ang alyansa ng US at Pilipinas ay mananatili lalo na sa matagal na bilateral relationship.
Tiniyak ng Amerika mananatili ang kanilang suporta sa Pilipinas at palakasin pa ang mutual security ties ng dalawang bansa.
Magugunitang pormal na inabisuhan noong Pebrero ang US na wawakasan na ang VFA.
Pero nitong Hunyo ay nag-abiso uli ang Pilipinas na suspendido ng anim na buwan ang pagpapatupas ng hakbang hanggang December 31,2020, bago itong panibagong na buwang suspensiyon.