-- Advertisements --
Plano ng US na magpadala ng mga warship sa Black Sea sa mga susunod na araw para magpakita ng suporta sa Ukraine.
Kasunod it ong pinalakas na military presence ng Russia sa eastern border ng Ukraine.
Ayon sa isang US defense officials na regular na nagsasagawa ng pag-iikot ang US Navy sa Black Sea pero ang pag-deploy ng warship ay magbibigay ng mensahe sa Russia na mahigpit na binabantayan sila ng US.
Hindi rin nagbabago ang ginagawang pagpapatrolya ng kanilang dalawang US B-1 bomber sa Aegean Sea para bantayan din ang naval activity ng Russia.
Bukod kasi sa US ay nagpahayag ang ilang bansa sa lumalalang tension sa pagitan Russia at Ukraine.










