Walang nakikitang pangangailangan ang Palasyo na repasuhin ang ating batas kasunod ng mga patakaran sa pag-withdraw at pag monitor ng confidential funds.
Tugon ito ni Palace Press Officer USec. Claire Castro matapos hingan ng reaksion kasundo ng nagging pahayag ng dalawang bank managers na tumayong testigo sa impeachment trial ni VP Sara.
Ayon kay Usec. Castro, hindi ang ating batas ang problema kundi mga lumalabag dito.
Binigyang-diin ni Castro na sapat ang umiiral na mga batas at wala namang masama sa pag-withdraw ng malaking halaga, kabilang ang ₱125 milyon sa loob ng isang araw, kung ito ay gagamitin nang naaayon sa batas.
Binigyang-diin niya na ang tunay na problema ay hindi ang kakulangan ng mga patakaran kundi ang mga taong may intensiyong lumabag sa batas at maglustay o magnakaw ng pondo ng bayan.










