-- Advertisements --

Maglalagay ang US ng dagdag na 1,500 na sundalo sa border nila ng Mexico.

Kasunod ito sa nakatakdang pagtanggal na nila ng COVID-19 restrictions sa susunod na linggo.

Ayon sa Pentagon na kanilang inaprubrahan ang request mula sa Department of Homeland Security (DHS) na magpadala ng dagdag na sundalo sa loob ng 90 araw.

Ang nasabing mga sundalong itatalaga ay tatayo bilang data entry at warehouse support.

Inaasahan kasi nila na tataas ang ang bilang ng mga magtutungo mula sa kanilang border kapag tuluyan nilang luwagan ang restriction.

Magugunitang tatanggalin na ng US government ang COVID-19 restrictions sa darating na Mayo 11.