-- Advertisements --

Kinondina ng US ang ginawang pagpapakawala ng ballistic missiles ng North Korea.

Sinabi ni State Department deputy spokesperson Vedant Patel na ang ginawa na ito ng North Korea ay isang uri ng paglabag sa ilang United Nation Security Council resolution.

Nagpapakita rin ito ng malinaw na pagbabanta ng North Korea sa nasabing rehiyon at International community.

Magugunitang nagpakawala ang North Korea ng dalawang missile ilang araw bago ang pagdalaw ni US Vice President Kamala Harris sa South Korea.