Inakusahan ng US ang Russian fighter jets matapos na malapitang lumipad sa mga drones nila na lumilipad sa Syria.
Sa inilabas na video ng US Air Forces Central makikita ang paglapit ng Russian SU-35 fighter jets na malapit sa kanilang mga drones.
Naglabas pa ng mga flares ang fighter jets ng Russia kaya napilitang umiwas na lamang ang kanilang MQ-9 Reapers.
Ayon kay Lieutenant General Alexus Grynkewich, ang commander of the Ninth Air Force sa Middle East, na ang tatlo nilang US drones ay nasa himpapawid ng maganap ang insidente.
Itinuturing niya itong isang uri ng harassment sa kanilang drones dahil nasa misyon ang mga ito laban sa islamic state.
Malinaw na isa itong paglabag sa ginagawa nilang paglaban sa ISIS sa Syria at nagpapadagdag ng tension sa US at Russia.
Magugunitang nasa 900 na mga US forces ang ipinakalat sa Syria kasama nila ang Syrian Democratic Forces para labanan ang Islamic State terrorist doon.