-- Advertisements --
Ibinunyag ng US na mayroong pang-aabuso at pananakot na ginagawa ang mga Russian troops sa mga empleyado ng Zaporizhzhia Nuclear Power Plant sa Ukraine na kanilang sinakop.
Sinabi ni State Department spokesperson Ned Price, ang hakbang na ito ng Russia ay mapanganib.
Mariing aniya nila kinokondina ang ginagawa na ito ng Russia.
Sang-ayon din ito na dapat payagan ang International Atomic Energy Agency na makapasok sa nasabing planta para matiyak ang kaligtasan ng pasilidad at hindi ito magdulot ng panganib.