Nangako ng mahigpit na pagkikipagtulungan ang US at Japan upang palakasin ang seguridad sa Pilipinas.
Sa kanyang pagbisita sa Maynila, sinabi ni Japan Maritime Self-Defense commander-in-chief Vice Admiral Saito Akira na nakipagpulong siya kay U.S. 7th Fleet commander Vice Admiral Karl Thomas at Philippine Fleet commander Rear Admiral Renato David.
Ayon kay Akira, maaaring magkaroon ng mga joint exercises ang nasabing tatlong bansa.
Gayundin, sa pamamagitan ng mga pagsasanay, maaari mag-imbita ng mga tauhan ng Philippine Navy na lumahok sa ehersisyo bilang isang observer.
Kung matatandaan, nag-courtesy call sina Saito at Thomas kay Philippine Navy (PN) chief Vice Admiral Torino Adaci Jr.
Sinabi ng PN na ang mga talakayan ay nakatuon sa pakikipagtulungan sa pagsasanay at pagpapaunlad ng kakayahan na magiging “mutual beneficial.”
Ang pagbisita ng opisyal ay kasunod ng insidente ng water cannon sa West Philippine Sea na kung saan nagbuga ang China gamit ang water cannon sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas patungo sa Ayungin Shoal para sa isang resupply mission.
Nagpahayag ng matinding pagkabahala si Saito sa naturang insidente at itinuring na ito ay isang ilegal na gawain sa pinagtatalunang karagatan.