-- Advertisements --
Isa ng ganap na tropical depression ang binabantayang Low Pressure area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nakita ito sa 2,560 kilometers East Northeast ng Extreme Northern Luzon.
Mayroong lakas na hangin ito ng hanggang 55 kilometers kada oras.
Habang mayroon pagbugso ng 70 kilometers per hour.
Ibinabala ng PAGASA na magdadala ang tropical depression ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon.