-- Advertisements --
Ipinakita ni US President Joe Biden na mula pa noon ay naging matibay na ang relasyon ng kanilang bansa sa Japan at South Korea.
Nagsagawa ng summit si Biden sa Camp David, sa Maryland ay personal na dumalo sina Japanese Prime Minister Fumio Kishida at South Korean President Yoon Suk Yeol.
Tinalakay ng tatlong lider ang matibay na ugnayan nila sa Indo-Pacific at ipakita ang puwersa laban sa China.
Nagkasundo ang tatlong lider ng pagkakaroon ng taunang military exercise at ang pagkakaroon ng three-way hotline.