-- Advertisements --

Nagsagawa ng 2 araw na joint exercise sa pinagtatalunang karagatan ang U.S. carrier strike group na pinangunahan ng USS Theodore Roosevelt kasama ang mga kaalyadong bansa na Japan at South Korea kasabay ng trilateral summit sa Washington sa pagitan ng US, Japan at PH.

Layunin ng military at diplomatic maneuvers na palakasin pa ang pagkakaisa ng nasabing mga bansa sa pagtugon sa agresibong military actions ng China sa rehiyon.

Kasama sa naturang pagsasanay sa pinagtatalunang silangang bahagi ng China sea ang ilang guided missile destroyers ng US at South Korea at ang warship ng Japan kung saan umiigting ang territorial claims ng China.

Ayon kay Rear Adm. Christopher Alexander, commander ng Carrier Strike Group Nine na nagasagawa din ang 3 bansa ng undersea warfare exercises, maritime interdiction operations, search and rescue drills and work na nakapokus sa communication at data sharing.

Ang partisipasyon naman ng Japan at SoKor sa joint exercise ay panibagong sinyales ng pagpapabuti ng ugnayan sa pagitan ng mga karatig na bansa.

Nakatuon din sa naturang drills ang papapabuto pa ang joint response capability ng 3 bansa labans a umiigiting na nuclear at missile threats ng North Korea ayon sa South Korean navy.

Aniya, nagsagawa ang kanilang hukbong pandagat ng anti-submarine exercises para maensayo ang kanilang kahandaan laban sa submarine threats at maritime interdiction training ng North Korea para mapigilan ang posibleng iligal na paglilipat ng ipinagbabawal na mga armas ng North Korea.

Ang panibagong naval exercise ay parte ng pagsisikap ng Biden administration na mapalalim pa ang security at diplomatic engagement sa mga bansa sa Indo-pacific. (With reports from Bombo Everly Rico)