-- Advertisements --

Tinapos na ng US ang paghahanap ng mga debris mula sa pinabagsak nilang pinaghihinalaang Chinese spy balloon.

Ayon sa US Northern Command, naging matagumpay ang paghahanap ng kanliang US Navy sa karagatan ng South Carolina.

Ipinasakamay na nila sa Federal Bureau of Investigation (FBI) ang mga huling piraso ng mga debris na kanilang natagpuan.

Ang nasabing balloon ay pinabagsak ng F-22 fighter jet ng US noong Pebrero 4 na sinasabing mula sa China.