-- Advertisements --
Mariing pinabulaanan ng White House ang alegasyon ng Russia na sila ang nasa likod ng drone attack sa Kremlin.
Ayon kay White House’s national security spokesperson, John Kirby, na walang basehan ang alegasyon na ito ng Russia.
Itinanggi rin nito na inutusan ng US ang Ukraine na lusubin ang labas ng kanilang teritoryo.
Nauna rito ay inakusahan ni Russian spokesperson Dmitry Peskov ang US na sila ang nasa likod ng drone attack sa presidential palace ng Russia at target nila si Russian President Vladimir Putin.










