-- Advertisements --

Itinanggi ng US na sila ang nasa likod ng pag-utos sa Ukraine para bombahin ang mga airfields ng Russia.

Sinabi ni US Secretary of State Antony Blinken na hindi nila hinikayat ang Ukraine na isagawa ang strike.

Reaksyon ito ng US ilang araw matapos ang drone strike ng Ukraine sa tatlong airfields ng Russia.

Una ng nagbabala si Russian President Vladimir Putin sa US at kaalyadong bansa dahil sa pag-suplay nila ng mga long-range missiles sa Ukraine.

Una ng hindi ikinokonsidera ng US at mga North Atlantic Treaty Organization (NATO) forces ang pagsuplay ng nasabing mga armas dahil lalo pag magdudulot ng matinding kaguluhan ito sa Ukraine ng sakupin sila ng Russia noong Pebrero 24.