CAGAYAN DE ORO CITY – Pinawi mismo ng ilang Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Iraq ang pangamba ng mga kababayan sa bansa na may kaugnayan sa kanilang seguridad doon.

Ayon kay Ruby Los BaƱos na tubong Cagayan Valley, hindi lahat ng lugar sa Iraq ay magulo kasunod ng US-Iran tension.

Kanyang inihayag na bagama’t nakakaramdam ng takot ay positibo pa rin sila na hindi madadamay sa gulo dahil ikinokonsidera na isa sa “most safest place” ang kanilang tinitirhan sa Irbil, Iraq.

Aniya, hindi naman nagkulang ang embahada ng Pilipinas sa pagbigay ng mga impormasyon sa kanila sa mga dapat gawin.

Mayroon din umano silang ginawang Facebook page para dito ipaabot ang kanilang mga reklamo upang agad na matugunan ng solusyon.