-- Advertisements --

Patuloy na iginiit ng US na ang balloon na kanilang pinabagsak ay ginagamit ng Chinese military para sa pag-iispiya.

Ayon sa isang mataas na opisyal ng US Intelligence na ginagamit ng China ang nasabing balloon para mangulekta ng mga impormasyon.

Ginagamit nila ito sa mga lugar na kaalyado ng US gaya ng Japan , India, Taiwan at maging ang Pilipinas.

Ipinalipad umano ng China ang nasabing balloon sa Hainan kung saan matatagpuan ang kanilang naval military base.

-- Advertisement --

Una ng itinanggi ng China ang ginamit nila ang balloon para sa pang-iispiya.