-- Advertisements --

Bigo ang administrasyon ni US President Joe Biden na matunton ang origin ng COVID-19 pandemic kasunod ng ipinatawag na 90-day investigation, base sa unclassified summary ng naturang imbestigasyon.

Hati pa rin sa ngayon ang intelligence sa kung alin sa dalawang theories na kanilang tinitingnan ang totoo patungkol sa origin ng COVID-19 — ito ba ay nagsimula sa posibleng leak sa laboratoryo o nahawa lamang talaga ang tao mula sa isang hayop.

Nakasaad sa summary ng report na inilabas ng Office of the Director of National Intelligence, “plausible” ang dalawang hypotheses na ito.

Malabo rin aniyang ginawa ang COVID-19 bilang biological weapon, katulad ng paratang ng ilang Republicans noong nakaraang taon.

Pero sinabi ng isa sa apat na intelligence community na base sa kanilang assessment posible rin talaga na ang kauna-unang human infection ay resulta ng lab-associated incident sa Wuhan Institute.

Pero lahat ng ito ay inconclusive pa at pahirap din sa kanila ang pagtanggi ng China na makipagtulungan sa kanila.

Hinaharang pa rin kasi anila ng China ang global investigation sa usapin na ito, at tumatanggi ring magbahagi ng impormasyon sa iba’t ibang bansa.

Hindi rin anila nakakatuloy na sinisisi pa ng China ang ibang mga bansa, kabilang na ang US, sa pangyayaring ito.