-- Advertisements --
Inakusahan ng US ang fighter jets ng Russia na nagpaulan ng mga flare sa kanilang drone.
Ayon sa US Air Force Central naganap ang insidente sa Syria nitong weekend.
Itinuturing ng US na isang uri ng unprofessional behaviour ang ginawa ng fighter jets ng Russia sa kanilang US MQ-9 drone nitong Linggo.
Dahil sa insidente ay nasira ang propeller ng drone na ligtas naman ng nakontrol patungo sa US base.
Nanawagan si Lieutenant General Alex Grynkewich, ang namumuno sa US Air Forces Central sa mga Russian forces na nasa Syria na tigilan na ang nasabing delikadong hakbang.
Ito na ang pangalawang insidente ng pagharass ng Russia sa drone ng US na ang una ay noong Hulyo 6 kung saan ang Russia SU-35 fighter ay lumapit sa kanilang drone.