-- Advertisements --

Inakusahan ng US ang China sa patuloy na nag-uudyok ng kaguluhan sa ilang mga bansa na umaangkin sa mga isla sa West Philippine Sea.

Ayon kay deputy assistant secretary for East Asia sa US State Department Jung Pak na marami silang mga ebidensiya na tumaas ang bilang ng presensiya ng barkong pandigma ng China sa nasabing lugar.

Nagkaroon rin ng hind ligtas na pagharang din ng China sa eroplano ng Australia na lumipad sa international airspace sa West Philippine Sea.

Magugunitang makailang beses ng nagkaroon ng pagsita ng Chinese fighter jet sa ilang fighter din ng US at Japan sa nasabing lugar.