Naipadala na ng U.S. Navy ang pangalawang aircraft carrier strike group sa silangang Mediterranean upang magsilbing deterrent habang sinisikap ng Washington na matiyak na ang labanan ng Israel-Hamas ay hindi aabot sa isang mas malawak na salungatan sa rehiyon.
Ang pagdaragdag ng USS Dwight D. Eisenhower Carrier Strike Group sa USS Gerald R. Ford group ay nagdala ng kabuuang bilang ng mga nakatalagang barkong pandigma ng Amerika sa bilang na 10.
Humigit-kumulang 12,000 tauhan ang naka-deploy o papunta sa karagatan ng Israel sa pagtatayo ng presensya militar ng U.S.
Matatandaan na sinabi ni U.S. Defense Secretary Lloyd Austin na inutusan niya ang aircraft carrier na USS Dwight D. Eisenhower at tatlong escort ship na magsimulang lumipat sa eastern Mediterranean.
Kasama sa grupo ang siyam na aircraft squadrons at bahagi ng isang pagsisikap na hadlangan ang mga aksyon laban sa Israel o anumang pagsisikap tungo sa pagpapalawak ng digmaan kasunod ng pag-atake ng Hamas.
Una na rito, ang mga barkong pandigma ng U.S. ay hindi nilayon na sumali sa pakikipaglaban sa Gaza o makibahagi sa mga operasyon ng Israeli ngunit upang ipakita ang lakas ng militar sa rehiyon.