Nakarating na ngayong araw sa New York City ang Military Sealift Command hospital para suportahan ang laban ng Estados Unidos hinggil sa coronavirus outbreak.

Magsisilbing referral hospital ang USNS Comfort para sa mga non-COVID-19 patients na kasalukuyang naka-admit sa mga ospital na nakabase sa pantalan.

Nakahanda rin itong magbigay ng kabuuang medical care tulad ng general surgeries, critical care at ward care para sa matatanda.

Magiging daan ito upang makapag-focus ang mga local health professionals sa pag-aalaga sa mga COVID-19 patients.

“The USNS Comfort arrives in New York City this morning with more than 1,100 medical personnel who are ready to provide safe, high-quality health care to non-COVID patients,” wika ni Capt. Patrick Amersbach, commanding officer ng USNS Comfort Military Treatment Facility. “We are ready and grateful to serve the needs of our nation.”

Sa pamamagitan din ng USNS Comfort ay maaari nang ipagamit ng mga shore-based hospitals ang kanilang mga Intensive Care Units at ventilators para sa mga nasabing pasyente.

Ang naturang barko ay isang seagoing medical treatment facility na mayroong lulan na 1,200 personnel, Navy medical at support staff mula sa 22 commands maging 70 civil service mariners.

“Like her sister ship, USNS Mercy (T-AH 19), which recently moored in Los Angeles, this great ship will support civil authorities by increasing medical capacity and collaboration for medical assistance,” saad ni Rear Adm. John Mustin, vice commander ng U.S. Fleet Forces Command.

“Not treating COVID-19 patients but by acting as a relief valve for other urgent needs, freeing New York’s hospitals and medical professionals to focus on the pandemic.”

Inaasahang 24 hours tatanggap ng mga pasyente ang barko. Lahat naman ng pasyenteng ililipat ay kailangan munang i-coordinate sa mga lokal na ospital para siguraduhin ang patuloy na pag-aalaga ng mga medical providers.

Hindi naman papayagan ang mga walk-in patients sa USNS Comfort at hindi rin umano sila makakaasa na kaagad silang makatatanggap ng kahit anong uri ng tulong.

“This USNS Comfort team of Sailors, Marines and Civilian Mariners came together during the transit to New York City  and our medical professionals are ready to begin receiving patients from local hospitals tomorrow,” ani Capt. Joseph O’Brien, mission commander ng Task Force New York City. “Our personnel are our strength—the men and women of our military services accomplish incredible things every day, and I am confident in their abilities as we start the next phase of this mission.”

Huling nagtungo sa New York City ang naturang hospital ship ay noong 9-11 attack.