-- Advertisements --

Itinutuing ng Pentagon na “Absent Without Leave” o AWOL na ang sundalo ng US na naaresto ng North Korea.

Si army private Travis King ay sinasabing inaresto sa North Korea matapos na tumawid mula sa South Korea habang nasa tour.

Ayon sa Pentagon na lahat ng uri ng pakikipag-ugnayan sa North Korea ay kanilang ginawa subalit wala pa rin silang kasagutang nakuha.

Una ng sinabi ng Pentagon na inireklamo na rin si King sa iba’t-ibang kaso gaya ng pananakit.

Sa kasalukuyan kasi ay nakataas pa rin ang babala ng US sa kanilang mamamayan na huwag magtungo sa North Korea dahil sa posibilidad na sila ay maaresto.