-- Advertisements --
Hinihintay pa ng US ang ilang opisyal ng Europa para maisumite ang final plan sa pagsasanay ng mga Ukrainian pilots sa paggamit ng F-16 fighter jets.
Unang sinabi ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky at opisyal ng European na magsisimula na ang training ngayong buwan ng Agosto.
HIndi rin malinaw kung anong bansa ang nagpursige ng pagsasanay sa mga Ukrainian pilots.
Desidido rin ang US na magpadala ng American pilots para isanay ang mga Ukrainians pilot subalit ito ay nakabinbin pa rin.
Ang nasabing training ay isasagawa asa Denmark at Romania kasama ang tulong mula sa the Netherlands, Belgium, Canada, Luxembourg, Norway, Poland, Portugal, Sweden at United Kingdom.