-- Advertisements --
Maaaring manatili si Senador Ronald dela Rosa sa police custody kung siya ay susuko, ayon kay Philippine National Police chief Gen. Melencio Nartatez Jr.
Aniya, ang paghingi ng protective custody ay nangangahulugan na ang isang indibidwal ay sumusuko.
Ito ang naging tugon ng hepe ng PNP nang matanong kung maaaring isailalim ang senador sa kustodiya ng pulisya.
Mas mainam din aniya kung mapayapang susuko ang senador.
Sa ngayon, patuloy ang pagtunton ng mga awtoridad sa kinaroroonan ni dela Rosa matapos ipag-utos na ng Department of Justice (DOJ) sa PNP at National Bureau of Investigation (NBI) ang pag-aresto sa senador matapos ituring ng pugante sa gitna ng nakabinbing arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC).















