-- Advertisements --

Walang balak ang US na tumigil sa ginagawa nilang airstrikes laban sa mga Houthi rebels sa Yemen.

Ayon sa US Central Command, na tinmaan nila ang apat na unmanned surface vessels at pitong mobile anti-ship cruise missiles na itinuturing na banta sa US Navy ships at ilang mga barko sa rehiyon.

Mula noong Enero 11 ng ilunsad ng coalition stirkes laban sa Iran-backed Houthis ay natamaan nila ang mahigit 100 missiles at launchers.

Una rito ay nagbanta ang Houthis na hindi sila titigil sa kanilang atake sa mga barko sa Red Sea hanggang hindi matapos ang laban ng Israel sa Gaza.