-- Advertisements --

Walang balak ang US na bitawan ang Ukraine sa paglaban nila sa pananakop ng Russia.

Sa talumpati ni US President Joe Biden sa Poland, iginiit nito na hindi mapapagod ang US sa pagsuporta sa Ukraine.

Naniniwala ito na hindi magtatagumpay ang Russia sa pananakop sa Ukraine.

Matatag ang mga alyansa ng US at Ukraine kasama ang mga bansa sa Europa kaya hindi sila basta matitinag sa anumang negatibong balakin ng Russia.