-- Advertisements --

Pinawi ng ilang medical experts sa US ang pangamba ng marami sa maramdamdang side effects mula sa COVID-19 vaccine.

Ayon kay Dr. Peter Hotez, isang vaccinologist at dean ng National School of Tropical Medicine sa Baylor College of Medicine na normal lamang na makadam ng lagnat at panghihina ang isang tao kapag naturukan ng bakuna.

Dagdag pa nito na ang nasabing mga sintomas aniya ay hindi rin magtatagal at ito ay panandalian lamang.

Ilan sa mga side effects ay ang pananakit, pamumula sa lugar kung saan itinurok ang bakuna.

Hindi rin matiyak ng federal Vaccine Adverse Event Reporting System kung ilang milyon na sa US ang nakaranas ng side effects dahil halos araw-araw ay ilang libo ang nababakunahan na nila.

Nirerekomenda rin US Center for Disease and Control na ang mga mayroong anaphylaxis o severe allergic reactions na huwag muna agad umalis sa mga vaccination area ang mga ito matapos ang 30 minuto na mabakunahan para sila ay maobserbahan ng mga eksperto.

Paglilinaw din nila na bawat tao ay mayroong iba’t-ibang reaksyon sa bakuna.

Hindi rin nila inirerekomenda na huwag magpaturok ng pangalawang doses ang mga tao para maiwasan ang malalang side effects.