-- Advertisements --

Nakapagtala muli ng record sa kasaysayan si US gymnast Simone Biles.

Nagkampeon kasi ito sa 8th All-around national title sa US Gymnastics Championships sa San Jose, California.

Ang 26-anyos na si Biles ay siyang naging pinakamatandang babae na nagwagi ng kampeonato na nagtapos ng 3.9 points.

Nahigitan nya si Shilese Jones ang 2022 silver medalist ng US and world championships.

Dahil sa panalo ay nahigitan na nito si Alfred Jochim na nagwagi ng seventh all-around gold medal noong 1933.