-- Advertisements --

Minaliit lang ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) deputy administrator Mocha Uson ang desisyon ng Estados Unidos na pag-ban sa mga sinasabing prosecutors na nagpakulong kay Sen. Leila De Lima.

Naniniwala si Uson na epektibo at gumagana ng sistema ng hustisya sa bansa at sinabing guni-guni lang ni De Lima ang mga paratang nito sa administrasyon.

Para sa dating Communications Assistant Secretary, may karapatan naman ang gobyerno ng Amerika na magpataw ng ban sa kahit sinong indibidwal.

Handa rin daw siyang tanggapan kung kasali siya sa listahan ng mga gustong harangin ng Amerika.