-- Advertisements --

Ginawaran ng United States ang 13 civil society organizations (CSOs) ng P288 million grants para sa biodiversity conservation at natural climate solutions sa Pilipinas ayon sa US Embassy sa Manila.

Susuportahan din ng naturang grant mula sa US Agency for International Development (USAID) ang gobyerno ng pilipinas sa pagpapanatili at pagpapagandang muli sa mga lugar na kailangan ng urgent protection.

Sinabi ni USAID Philippines Acting Deputy Mission Director Jennifer Crow na nagpapakita ito ng longstanding commitment ng USAID sa Philippine government at local organizations sa pagprotekta sa natural resources.

Umaasa din ang organisasyon na makakapag-generate ng mas maraming kabuhayan at negosyo ang naturang grant na nagtataguyod ng kahalagahan ng natural at cultural assets ng bansa at mapabuti ang buhay sa mga komunidad kabilang na ang mga katutubong indbidwal.