-- Advertisements --

Napagkasunduan na raw kasi ng telecommunications companies at ang adiministrasyon ni US President Joe Biden na i-revise ang deployment ng upgraded technology sa paligid ng mga key airports sa Estados Unidos.

Ayon sa flag carrier, pinaghahandaan na raw nila naman daw nila ang pagkansela sa ilang US-bound flights kapag mayroon pang mga natitirang concern sa epekto ng 5G sa flight safety.

Umaasa ngayon ang Flag carrier Philippine Airlines (PAL) na tuloy na ang flight patungong Estados Unidos matapos iulat ng mga otoridad sa Estados Unidos na naresolba na nila ang safety questions sa epekto pa rin ng bagong 5G transmitters sa mga aircraft instruments kapag nasa bisinidad na ng ilang US airports.
Sa statement na inilabas ng PAL, sinabi ng mga itong siniguro naman daw ng US Department of Transportation sa aviation community na ang lahat ng aircraft na lalapag sa US airports ay hindi raw makakaranas ng interference mula sa 5G radio waves.

Sinabi ni PAL senior vice president for operations Stanley Ng na ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero at crew raw ang kanilang top priority.

Welcome naman daw sa kanila ang intervention ng US government at ipagpapatuloy nilang makipag-ugnayan sa mga otoridad, mga paliparan, aircraft makers at aviation safety professionals para siguruhin na ang bawat PAL flight na nag-o-operate na kaakibat ang highest safety standards.

Tuloy-tuloy din daw na imo-monitor ng PAL ang developments sa US at gagawa naman sila ng adjustments kapag mayroong pagbabago na posibleng makakaapekto sa seguridad.

Ang flag carrier ay mayroong regular na flights pa-Los Angeles, San Francisco at New York.

Hindi naman daw apektado ang 5G concerns ang mga flights papuntang Honolulu at Guam maging ang mga rutang Asia, North America, Australia at Middle East na mayroong kaugnayan sa mga specific airports sa US mainland.