-- Advertisements --
Nagpositibo sa COVID-19 si US first lady Jill Biden.
Ayon sa kaniyang Communications Director na nakaranas ang first lady ng cold-like symptoms.
Sa unang rapid antigen test ay nagnegatibo ito subalit matapos ang PCR test ay doon siya nag positibo.
Naganap ang pagpositibo nito ilang linggo matapos magpositibo ang asawa nitong si US President Joe Biden.
Sa ngayon ay patuloy na itong naka-isolate at nagpapagaling.