-- Advertisements --

Nagpositibo muli sa COVID-19 si US First Lady Jill Biden.

Ang nasabing kaso ng Biden ay itinuturing ng mga health experts bilang rebound case dahil wala ito ng nararanasang anumang sintomas.

Ayon sa kaniyang deputy communications director, na sa pamamagitan ng antigen testing ay nagpositibo ang US First Lady.

Dahil dito ay mananatili itong naka-isolate sa kanilang bahay sa Delaware.

Ang 71-anyos na si Jill Biden ay unang nagpositibo sa COVID-19 noong Agosto 21 at matapos ang pag-inom nito ng Paxlovid ay gumaling na siya.

Nagnegatibo naman sa antigen test si US President Joe Biden.