-- Advertisements --

Nagbigay-pugay si United States Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson sa mga Filipino at American war veterans kasabay ng paggunita ng Veterans Day.

Sa seremoniyang idinaos sa American cemetery sa Maynila, nakiisa si US envoy sa bansa sa pag-alala ng mga sakripisyo at kabayanihan ng mga war veterans na nagsilbi sa Army, Navy, air Force, Marines at Coast Guard.

Nakisimpatiya din ang US envoy sa mga nagbuwis ng kanilang buhay at sa mga hindi pa rin nakakalimot at patuloy na naghihilom ang mga ala-ala ng giyera kahit na ilang dekada na ang nakalilipas.

Kinilala din ng US envoy ang mga sundalong Pilipino at Amerikano na nakipaglaban sa Corregidor na idinepensa ang Bataan at nagpalaya sa Maynila kung saan nasa 75,000 mga bilanggo ng giyera ang nasawi na nakaukit na sa kasaysayan ng tinawag na Bataan Death March at nasa 9,000 mga Pilipino at 1,000 Americans ang namatay.

Pinasalamatan din ng US envoy ang mga veterans at active-duty personnel gayundin kinilala nito ang Veteran Service Organizations sa naging kontribusyon nito para mapabuti ang buhay ng mga magigiting na veteran sa Pilipinas.